Wednesday, February 26, 2025

Hawak Kamay

 Nung bata pa ako tuwing lalabas ng bahay kasama ang magulang ko madalas hinahawakan ang kamay ko ni mama o ni papa para hindi ako maligaw or mawala. Hawak ng mahigpit na alam mong secured ka kasi kasama hawak ka nila. Hawak na alam mong iingatan at hindi ka pababayaan. "Kapit ka lang, para hindi ka mawala," sabi ni mama o ni papa. Ako na may maliit na kamay kakapit ng mahigpit sa kanila. Hawak kamay sa kanila kasabay nilang lumakad. Pero nung namulat ng kunti sa mundo kumalas sa kanilang pagkakahawak na akalang kaya ng humarap pero paulit-ulit na nadadapa. Patuloy na hindi pinapansin ang kanilang kamay na handang umalalay. Hanggang sa tuluyan ng lumisan at bumukod sa pag-aakalang kayang tumayo mag-isa. Pero makalipas ng ilang taon, pag-uwi ay makikita mo na malaki na ang pinagbago ng kanilang pangangatawan. Wala na ang bakas ng kabataan kundi katandaan na dulot ng paglipas ng panahon. Muling humawak sa kanilang kamay hindi para ako ang gabayan kundi ako na ang gagabay at aalalay sa kanilang  paglakad. Ako na ang may kaba na baka sila ang mawala dahil sa kanilang pagkalimot sa kapaligiran. Ako na ang hahawak ng kanilang kamay at sila na ang kakapit sa 'kin ng mahigpit sa bawat lakad.

While alone in our house, I suddenly missed my family in the Philippines. I talked to God and told about  my what ifs. There are many advant...